Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Saturday, November 2, 2019

KALIWA DAM PROJECT - UPDATES NOV. 03, 2019


KALIWA DAM PROJECT 
GOV'T WILL FORCE TO BUILD

http://herbertcuria.wixsite.com/herbertcuria
ANG BOSES NG THE CRITICS KAAKIBAT ANG PANANALIG SA DIYOS AT KRISTO HESUS SA GABAY NG KALIWANAGAN NG BIBLE AT MILAGRO AT APARISYON NI MOTHER MARY SA LINGGONG ITO NOVEMBER 03, 2019 AT ATING TATALAKAYIN AY HINGGIL SA "". MULI TAYO AY NAGSASABOSES AT KUMAKAMPANYA SA PAGPAPALAYA SA MUNDO SA INEQUALITY IN POLITICS, ECONOMICS, SOCIAL AND CIVIL AND CULTURAL ISSUES AND RIGHTS KAAKIBAT ANG PANANALIG SA DIYOS AT KRISTO HESUS AT MILAGRO AT KALIWANAGAN NI MOTHER MARY. MAGKAISA SA KAAKIBAT ANG ATING PANANALIG SA PAGBABAGO NG ATING PAMAHALAAN AT LIPUNAN AT MAKAPAMUHAY NG MAPAYAPA AT MAUNLAD. ANG ATING BANSA AY MAKAKAMIT LAMA NG ANG MABUTING PAMUMUHAY KUNG MAGKAKAISA ANG LAHAT SA ISANG PERSPEKTIBANG PANTAY PARA SA LAHAT AT SUPORTAHAN ANG NASABING EQUALITIES. SUPPORT AND UNITE IN IMPLEMENTING HUMAN RIGHTS AND EQUAL JUSTICE TO HAVE GOOD LIFE.

ANG ATING BOSES AT KONSTRUKTIBONG KRITISISMO AT KOMENTARYO AT OPINYON AT

KONSULTASYON SA LINGGONG ITO AY HINGGIL SA ISYU NG KALIWA DAM PROJECT DEVELOPMENT PLAN NG ATING PAMAHALAAN. PWERSAHANG ITUTULOY NG PAMAHALAAN ANG PAGPAPATAYO NG NASABING DAM UPANG MASOLUSYUNAN ANG KRISIS SA TUBIG SA METRO MANILA. NAGAGAHOL SA NGAYON ANG AHENSIYA NG PAMAHALAAN MULA MWSS AT DENR AT IBAT IBANG KAAKIBAT DITO NA SIYANG BUMUBUSISI SA PAGPAPATAYONG ITO AT ITONG WATER CONCESSIONAIRE AY PWERSAHAN NA PINAGSUSUMITE NG PAMAHALAAN NG KANILANG SOLUSYON SA TUBIG SA METRO MANILA.


NAGISSUE NA NG ECC - ENVIRONMENTAL COMPLIANCE CERTIFICATE ITONG DENR AT ITO ANG BASEHAN NG MWSS PARA ITULOY ANG 18.7 BILLION KALIWA DAM PROJECT DEVELOPMENT PLAN NG ADMINISTRASYON O NG PAMAHALAAN.  PERMIT NA LAMANG NG NATIONAL INDIGENOUS COMMISSION ANG KULANG AT IBAT IBANG MGA DOKUMENTO PARA MAISAKATUPARAN NA ANG NASABING PROYEKTO.


ANG MGA RESIDENTE NG QUEZON, TANAY, RIZAL AT NAKAR AT IBAT IBANG LUGAR NA SAKOP DITO O MAAPEKTUHAN AY TUTOL SA PROYEKTONG ITO PARTIKULAR NA ANG MGA IP'S O KATUTUBONG DUMAGAT NA NANINIRAHAN SA NASABING LUGAR NG KALIWA DAM AREA AT ITO AY KANILANG ANCESTRAL DOMAINS.   KINUKWESTIYON NILA ANG NASABING PERMIT NA ITO AY HINDI AYON PARA KABUTIHAN NG KALIKASAN O ANG PROYEKTONG ITO AY MAKAKAAPEKTO SA KALIKASAN AT PAMUMUHAY NG MGA TAO SA LUGAR NA ITO.  MARAMING REKESITOS SA PAGISYU NG ECC AT PAGTATAYO NG DAM AT ANG MGA ITO AY PAWANG HINDI PAPASA NA MAITAYO ANG DAM LALO NA SA KAPAYAGAN NG MGA RESIDENTE.

ANG ATING PAMAHALAAN MULA SA PANGULONG DUTERTE AY SAPILITANG KUKUNIN ANG AREA NG KALIWA DAM AT IPATAYO ITO.  GAGAMIT ANG PANGULO NG LAHAT NG KAPANGYARIHAN NG PANGULO PARA MAPWERSANG MAITAYO ANG DAM NA ITO.  AYON SA KANYA AY WALANG DAHILAN NA KALIKASAN PARA HINDI ITULOY ANG PROYEKTO.   AYON NAMAN SA KATUTUBO AY HINDI NAMAN MAKATAO ITO AT ITURING SILANG TAO AT PROTEKTAHAN HINDI ABUSUHIN.

ANG THE CRITICS PROMOTIONS AY NAGSASABOSES SA ISYUNG ITO NG TAHASANG
PAGSUPORTA SA MGA TUTOL SA PROYEKTONG ITO MULA SA RESIDENTE NG QUEZON AT RIZAL AT IBAT IBANG AREA DITO SPECIALLY SA MGA DUMAGAT O MGA KATUTUBO.  ANG SINASABING DEVELOPMENT PLAN NA ITO PARA MAKATULONG SA SUPPLY NG TUBIG SA METRO MANILA AY HINDI NATIN MASASABING DEVELOPMENT KUNG ITO AY MAKAKASIRA NAMAN NG ATING KALIKASAN AT MAKAKAAPEKTO SA MARAMING MAMAMAYAN MULA KATUTUBO INSTANTLY AT MGA EPEKTO NA MAARING IDULOT NG PAGTATAYO NG DAM SA KINABUKASAN.

ANG CONSTRUCTION NG DAM NA ITO AY SISIRAIN ANG KALIKASAN O KABUNDUKAN SA SIERA MADRE NA SINASABING WATER SHED O GREEN HOUSE NA MAY AMBAG SA BALANSE NG KALIKASAN UPANG HINDI MAGKAROON NG GLOBAL WARMING NA NAGDUDULOT NG MGA SAKUNA AT HINDI LANG SAKUNA KUNDI MABIBIGAT NA SAKUNA.  HINDI LAMANG YAN PINAGKUKUNAN DIN NG KABUHAYAN AT IBAT IBANG MGA IBINIBIGAY NG KABUNDUKANG ITO NG SIERA MADRE SA MUNDO AT MGA TAO PARTIKULAR SA MGA NANINIRAHAN DITO.


NAIS NG SINUMAN MAGING TAGA QUEZON ANG MAKATULONG MULA SA MGA TUBIG NA ITO SUBALIT HINDI TULONG NA TUBIG ANG PAGPAYAG SA PROYEKTONG ITO ANG IDUDULOT KUNDI SAKUNA KUNG SAAN SA ILANG PANAHON NA TAMASAHIN ANG KAKULANGAN SA TUBIG NG METRO MANILA AY ANG KASUNOD AY BAHA NAMAN NA APAW SA INAASAHANG PAGKAUHAW AT KIKITIL NG MARAMING BUHAY.  HUWAG ISNABIN NG ATING PANGULO AT BUONG PAMAHALAAN AT MGA TAO ANG DULOT NG KALIKASANG NAGNGANGALIT SA KAMALIAN NG MGA TAO.  

HINDI NAMAN NAIVE ANG MGA TAGA QUEZON NA KUNG ANG IPAPALIGO MO AY ISANG PALANGGANA LAMANG TAYO MAGTATAMPISAW AT MAHAL NA DISTILLED WATER ANG ATING BIBILHING INUMIN O HALOS ISANG BASONG TUBIG NA LAMANG TAYO IINOM SA ISANG ARAW GALING SA MWSS O WATER CONCESSIONAIRE. MATASAMA MAN ANG SHOWER BATH AT GALON GALON NA IINUMIN ARAW ARAW AY HINDI LAMANG ITO ANG TATAMASAHIN KUNDI MAARING TSUNAMI AT MALALAKAS NA BAGYO ANG TUBIG NA KASUNOD NITO NA NANGYAYARI NA SA ATING BANSA NA HINDI LAMANG DULOT NG NORMAL COURSE NG MGA BAGYO KUNDI DULOT NG GLOBAL WARMING.     

MULI AMBAG SA GLOBAL WARMING ANG EPEKTO NITO AT HINDI ANG MGA LUGAR LAMANG SA QUEZON, RIZAL, TANAY  ANG MAARING MAAPEKTUHAN NG DULOT NA SAKUNA NG GLOBAL WARMING KUNDI BUONG BANSA AT MAGING SAANG PANIG NG MUNDO ANG DULOT NG GLOBAL WARMING AY MANANALASA.  

SA PAGCONCERN NAMAN SA ATING MGA KATUTUBO AY KAWAWA SILA KUNG PALALAYASIN
SILA SA LUGAR NILA NA KAHIT NAMAN SINO AY HINDI MATUTUWA NA PALAYASIN O ILIKAS AT ANG KANILANG LILIPATAN AY HINDI ANGKOP SA PAMUMUHAY NA KANILANG KINAGISNAN O PANGKABUHAYAN.  SAAN PALILIPATIN ANG MGA ITO LALO NA AT NEXT YEAR NA PLANING ITAYO ANG DAM NA YAN.   HINDI GANUON KADALI NA ILIPAT SILA NG LUGAR AT HINDI MAITATAYO DIN ANG MGA KABAHAYAN SA DAMI NILA NA AANGKOP SA KANILA AT MAGING KABUHAYAN.  SAAN KOMUNIDAD NATIN SILA DADALHIN MIXING SA HINDI KATUTUBO.  MABIBIGYAN NYO BA SILA NG VILLAGE SA METRO MANILA NA TITIRAHAN NILA AT HANAPBUHAY.  HINDI MAIIBIGAY NG PAMAHALAAN ANG LAKI NG LUPAIN NILA NA IPAPALIT SA BAGO NILANG KOMUNIDAD NA MAARING LILIPATAN.

ANG PAGTUUNAN NG PAMAHALAAN AY RESTORATION NG ATING KABUNDUKAN AT HATIRAN NG SIBILISADONG PAMUMUHAY O MODERNONG BUHAY ANG MGA IP O DUMAGAT SA PAMAMAGITAN NG EDUKASYON SA LUGAR NILA O MAGPAPATAYO NG ESKWELAHAN DUON MAGING KLINIKA AT MGA AYUDANG KABUHAYAN SA IKAKABUHAY NILA DUON AT AANGKOP SA KALIKASAN NA PRODUKSYON NA MAKAKATULONG SA ATING EKONOMIYA AT HINDI BASTA NAGSASARILI SILA SA BUNDOK.  WE ARE TREATING THEM LIKE US GAYUNMAN SILA AY MAY SARILING COMMUNITY IN THAT AREAS.  MAARING SILA AY MAKISALAMUHA SA KAPATAGAN KUNG SILA AY MAY KARUNUNGAN SA KABUHAYAN SA KAPATAGAN NA DAPAT NA ITINUTURO NG ATING PAMAHALAAN SA KANILA.

ATING MAHALIN AT IRESPETO ANG MGA KATUTUBO DAHIL SILA AY NILALANG DIN NG DIYOS AT MAY KANYA KANYA TAYONG GALING O AMBAG SA MUNDONG ITO.


ATING ISINASABOSES SA ATING PAMAHALAAN NA HUWAG NAMANG PWERSAHIN ANG PAGTATAYO NG DAM NA ITO AT DAANIN ITO SA PATAS NA PROSESO DAHIL KUNG ITO NAMAN AY TOTOONG PAPASA SA ECC AT IBAT IBANG REKESITOS ANG MGA TAO AY MAARING MAGKAROON NG KAPAYAGAN BILANG KAUNLARAN.  NGAYON ITONG DUMAGAT AY HINDI NAMAN DAPAT MAABUSO SA KANILANG LUPAIN DAHIL SA PUMAYAG MAN ANG LAHAT MUNISIPALIDAD AT TAO SA KAPATAGAN AY ITONG KAPAKANAN NG DUMAGAT AY DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN NA KAGAYA NG ATING NASABI HINDI KAYA NG ATING PAMAHALAAN NA IBIGAY ANG KOMUNIDAD NA KANILANG TINATAMASA SA NGAYON NA ANG KULANG LAMANG AY AYUDANG PAGANGAT SA KAALAMAN O MODERNONG KAALAMAN  O ANG ALAM NG KAPATAGAN AY DAPAT ALAM DIN NILA. 


NAWAY TANGGAPIN NG ATING PANGULONG DUTERTE ANG PASYA NG MARAMING MAMAMAYAN NA APEKTADONG LUGAR MAGING KATUTUBO SA PAGTUTOL SA PROYEKTONG ITO DAHIL ITO AY KAPAKANAN NG LAHAT HINDI LAMAN SILA KUNDI BUONG PILPINAS AT MUNDO.  SA NGAYON AY NAKAKARANAS NG WALANG KAGATOL GATOL NA LINDOL ANG MINDANAO AT ITO AY HINDI MABUTI KUNG KAYAT HUWAG BALEWALAIN ANG SAKUNA DAHIL MAARING ITONG SAKUNANG LINDOL NA ITO AY EPEKTO NA RIN NG GLOBAL WARMING NA SIYANG NAGPAPALINDOL SA MINDANAO O ANG TUMAMA DIYAN AY IBAT IBANG SAKUNA DULOT NG GLOBAL WARMING.  HINDI NATIN MASASABI NA ANG ATAKE NG SAKUNA DULOT NG GLOBAL WARMING MAARING DITO SA PILIPINAS PARTIKULAR SA MINDANAO O SA IBANG BANSA. 

MARAMING ALTERNATIBO NA HINDI MAKAKAAPEKTO SA KALIKASAN NA MAARING PAGKUNAN NG TUBIG NG METRO MANILA.  HUWAG PAGBIGYAN NG ATING PANGULO ANG MGA KAPITALISTANG NAIS NA IPATAYO ANG KALIWA DAM DAHIL SAKUNA LAMANG ANG IDUDULOT NITO MULA BAHA AT HINDI SOLUSYON SA TUBIG.  

SA PAGKAKAISA NG MGA TUMUTUTOL NA RESIDENTE AT GRUPO SA PAGTATAYO NG KALIWA DAM AY NAWAY TULUNGAN TAYO NG DIYOS AT KRISTO HESUS AT BANAL NA SANTA MARIA SA ATING PAGTUTOL AT PAGPROTEKTA NG KALIKASAN AT BUHAY.  

MULI MALIWANAGAN ANG ATING PAMAHALAAN NG BANAL NA SANTA MARIA AT MAMAMAHAL NG PATAS AT MAKATAO AT MAKADIYOS.  KEEP FAITH GOD LIGHTS YOU ALL


MULI ANG KALIWANAGAN NG DIYOS AT KRISTO HESUS AT MOTHER MARY AY GUMABAY SA ATING BANSA MULA PAMAHALAAN AT BAYAN AT MAMUHAY NG MABUTI AT SA ITINAKDA NG DIYOS SA KINABUKASAN AY MAKAISA TAYO SA KANYANG GANAP NA PANGAKO O KAHARIAN O KOMUNIDAD O WIKA NGA INASAAM NG MARAMI EVEN IN PRACTICAL LIFE AY ANG PERFECT SOCIETY.

MAGKAISA SA KALIWANAGAN AT BUHAY AT MAMUHAY TAYO NG MAPAYAPA AT NANALIG SA DIYOS AT KRISTO HESUS SA GABAY NI MOTHER MARY AT ARAL NG BIBLE AT ATING SIMBAHAN ETC., ETC. KEEP FAITH TO GOD THRU JESUS CHRIST WITH MOTHER MARY LIGHTS AND GUIDANCE.  ANG ESPIRITWAL NA PAALALA NA ITO NI MOTHER MARY PARA MANALIG SA DIYOS AY MAHALAGA TO UNITE ALL IN GOOD AND FAITH FOR SALVATIONS AT IADYA DIN SA ANUMANG KAPAHAMAKAN IN DAILY LIVES AT PAGSASAPRAKTIKA NG BIBLE AT PANANALIG SA DIYOS.  

ANG GABAY NG ATING BANAL NA SANTA MARIA AY PALAGING SUMAATIN AT PAGKAISAHIN TAYO SA KAPAYAPAAN AT BUHAY AT PANANALIG SA ATING PANGINOONG DIYOS MULA KAY PANGINOONG KRISTO HESUS.  NAWAY ANG GABAY NG KALIWANAGAN AT APARISYON NG ATING BANAL NA SANTA MARIA AY MAKAGABAY SA INYO SA MABUTING PAMUMUHAY.


GOD LIGHTS YOU ALL....



No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

 

HERBERT PROMOTIONS

-

THE CRITICS

THE CRITICS

SOCIAL NETWORKS

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Wikipedia

Search results

HERBERT PROMOTIONS

HERBERT PROMOTIONS

HERBERT PROMOTIONS

=

THE CRITICS VOICE

THE CRITICS VOICE