Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

THE CRITICS LIVE BROADCAST

Saturday, June 20, 2015

JOSE RIZAL B-DAY - UPDATES JUNE 21, 2015


DR. JOSE RIZAL 154TH B-DAY
JUNE 19, 1861-2015
NATIONAL HERO OF THE PHILIPPINES
REFORMIST DURING SPANISH ERA
IN THE PHILIPPINES

ANG BOSES AT KONSTRUKTIBONG KRITISMO AT SUHESTIYON NG THE CRITICS SA MALAYANG DEMOKRASYANG ITO NGAYONG JUNE 21, 2015 SA PAGDIRIWANG NG IKA 154TH NA KAARAWAN NG ATING PAMBANSANG BAYANI NA SI DR. JOSE RIZAL.  ANG KALIWANAGAN NG PANGINOONG DIYOS AT KRISTO HESUS AT BIBLE SA TULONG NG BANAL LIWANAG AT MILAGRO AT APARISYON NI SANTA MARIA AT ESPIRITU SANTO AY GABAYAN TAYO NG KALIWANAGAN SA ATING PANANALIG SA DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS AT ATING PAMUMUHAY AT TAHAKIN AT PAIRALIN ANG MABUTI AT KAPAYAPAAN MULA PAGSUNOD SA BIBLE AT SUPORTA NG HUMAN RIGHTS AT EQUAL JUSTICE AT MAGKAROON NG GOOD GOVERNANCE AT GOOD SOCIETY. 

ANG THE CRITICS AY NAKIKIISA SA BANSANG PILIPINAS SA PAGDIRIWANG NA IDINAOS PARA SA
KAARAWAN NG ATING PAMBANSANG BAYANI NA SI DR. JOSE RIZAL.  ANG MAPAYAPANG PAKIKIBAKA NI DR. JOSE RIZAL PARA SA BAYAN AY MALAKING AMBAG UPANG MAGISING ANG LIPUNANG PILIPINO UPANG MAGLUNSAD NG PAMBANSANG REBOLUSYON PARA SA KALAYAAN NG BANSANG PILIPINAS SA PANANAKOP NG KASTILA.  ANG KANYANG MGA PANULAT PARA SA PAGREREPORMA NG BANSANG PILIPINAS SA PANANAKOP NG ESPANYA AY NAGTULAK SA MASANG PILIPINO UPANG MAMULAT SA OPRESYON AT PANANAMANTALA NG MGA KASTILA AT SI GAT ANDRES BONIFACIO AY NAMUNO BILANG PUNONG KATIPUNERO LABAN SA KASTILA. 

ANG MGA ADHIKAIN NI DR. JOSE RIZAL NA MAGREPORMA SA MAPAYAPANG PARAAN AY KANYANG PINAGDUSAHAN SA MGA KAMAY NG KASTILA KUNG SAAN SIYA AY IPINATAPON SA DAPITAN AT IPINAPATAY SA LUNETA NG MGA PANAHONG YAON.  NGAYON AY ITINANGHAL NATIN SIYANG PAMBANSANG BAYANI SA KANYANG MAPAYAPANG PARAAN NG PAGBABAGO.  ANG KANYANG AMBAG SA PAGLAYA NG BANSANG PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG PANULAT AT KANYANG MGA PERSPEKTIBA PARA SA BANSA AY MALAKING TULONG UPANG TAYO AY LUMAYA. 

ANG MAPAYAPANG PARAAN NG PAGBABAGO NA GINAWA NI DOKTOR JOSE RIZAL AY DAKILANG HAKBANG PARA KAMTIN ANG PAGBABAGO GAYUNPAMAN SA KANYANG HANGARING ITO NA MAPAYAPA AY IPINAPATAY PA RIN SIYA NG MGA KASTILA NA NAGING MITSA UPANG SUMIKLAB ANG REBOLUSYON AT WAKASAN ANG PANANAKOP NG KASTILA SA PILIPINAS.  

MAGKAISA AT PAHALAGAHAN ANG ATING KALAYAAN MULA SA MGA BAYANING NAGBUWIS NG BUHAY PARA SA KAPAKANAN NG KANYANG KAPWA PANGUNAHIN DITO SI DR. JOSE RIZAL.  ANG MGA PILIPINONG MAGAGALING NA KAGAYA NIYA NA HINDI SARILI LANG ANG INISIP SA MAGANDANG KALAGAYAN AT PROPESYON SA BUHAY KUNDI ANG KAPAKANAN NG DIN NG NAKARARAMI.  SANAY ANG NAKAKATAAS ANG KAISIPAN AT ANTAS NG BUHAY AY MAGADHIKA DIN NG KAPAKAAN NG NAKARARAMI.  NANALIG DIN SI DR. JOSE RIZAL SA DIYOS NA DALA DALA NG KASTILA SA PILIPINAS.  “I have to believe much in God because I have lost my faith in man.” 
― José RizalNoli Me Tangere (Touch Me Not)


GOD AND JESUS CHRIST AND MOTHER MARY LIGHTS BLESS YOU ALL.......


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.